Sunday, August 7, 2016

NOTICE!

Guys, we've 'transferred' Lol. I mean, we've another replica of this site (but that new site is more AMAZING and AWESOME as this.) We have another new site! Yey. Check it out at crisxhang.wixsite.com/imagefactory and BE AMAZED! HAHAHAHAHAHAHA

Wednesday, August 3, 2016

Filipino: Wika ng Karunungan

Wikang Sariling Atin

Di maipagkakaila na ang wikang Filipino ay isa sa nagsilbing diwa ng panitikan ng bansang Pilipinas sapagkat ang wikang FIlipino ay ang "Pambansang Wika" ng Pilipinas. Gamit ang wikang ito ay nagkakaintindihan ang buong bansa. 
Ika nga na"Tangkilikin ang Sariling Atin."
Kaya bilang pagkilala at pagtangkilik sa Wikang sariling atin nagkakaroon ng pagdiriwang bawat taon at nangyayari sa buwan ng Agosto ang "Buwan ng Wika" kung saan ipinagdidiwang ng mga kabataan ang kahalagahan ng ating wika at naipapakita ng mga kabataan ang kagandahan ng wikang atin. 
Sa pagdiriwang na ito isinasagawa ang balagtasan, pagsasalin-wika at marami pang iba na kung saan nagtatagisan ng galing ang mga kabataan kaakibat ang tungkulin na ipamalas at ipagmalaki ang wika natin. 
Bilang isang Pilipino nakakataba ng puso ang pagdiriwang na ito. Hindi dahil sa mga suot na mga pangkatutubong damit at pambansang damit, hindi dahil sa mga iba't ibang kulturang naipakita kundi dahil sa pamamagitan nito hindi makaklimutan ang ang wikang ating ipinagmamalaki ang wikang walang sinuman ang makakaagaw, ang wikang pinasibol ng ating mga ninuno at ang wikang minanmahal nating mga Pilipino, ang Wikang Filipino.

Buwan ng Wika Celebration

The tarpaulin posted in every school with the Buwan ng Wika theme; Filipino, Wika ng Karunungan

Filipino: Wika ng Karunungan

Bawat Pilipino ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ang pagkakaroon ng pambansa at sariling wika ay isang biyaya at gantimpala sa ating mga Pilipino, sa kabila ng pagkakaroon ng maraming wika na ginagamit. Tuwing buwan ng Agosto, sari-saring kaganapan ang isinasagawa at naidadaos ng ating mga kababayan. Idinadaos ang Araw ng Buwan ng Wika sa mga paaralan at sa mga institusyon ng bansa upang ipamahagi sa mga Pilipino na tangkilikin ang kanilang sariling wika.

Bago naitatag ang wikang Filipino bilang Pambansang wika ng Pilipinas ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos, tinawag ito bilang wikang Tagalog. Dumaan ang mahabang panahon hanggang sa nagbago na naman ito at tinawag na wikang Pilipino. Sa kapanahunan ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos, nagkaroon ito ng huling ‘pangalan’ at tinawag na wikang Filipino, at idineklara bilang Pambansang wika ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ay nagsisilbing simbolo ng bawat katatagan at pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bayan. Bilang isang Pilipino, kailangan nating ipagmalaki ang wikang atin at huwag natin itong hayaang madungisan ng iba.