The tarpaulin posted in every school with the Buwan ng Wika theme; Filipino, Wika ng Karunungan |
Filipino: Wika ng Karunungan
Bawat
Pilipino ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ang pagkakaroon ng pambansa at
sariling wika ay isang biyaya at gantimpala sa ating mga Pilipino, sa kabila ng
pagkakaroon ng maraming wika na ginagamit. Tuwing buwan ng Agosto, sari-saring
kaganapan ang isinasagawa at naidadaos ng ating mga kababayan. Idinadaos ang
Araw ng Buwan ng Wika sa mga paaralan at sa mga institusyon ng bansa upang
ipamahagi sa mga Pilipino na tangkilikin ang kanilang sariling wika.
Bago
naitatag ang wikang Filipino bilang Pambansang wika ng Pilipinas ni Dating
Pangulong Fidel V. Ramos, tinawag ito bilang wikang Tagalog. Dumaan ang
mahabang panahon hanggang sa nagbago na naman ito at tinawag na wikang
Pilipino. Sa kapanahunan ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos, nagkaroon ito ng
huling ‘pangalan’ at tinawag na wikang Filipino, at idineklara bilang
Pambansang wika ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ay nagsisilbing simbolo ng
bawat katatagan at pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bayan. Bilang isang Pilipino,
kailangan nating ipagmalaki ang wikang atin at huwag natin itong hayaang
madungisan ng iba.
No comments:
Post a Comment